Matapos ang ilang taong pandududa ukol sa kabutihang maidudulot ng mga blog, heto ako nagsisimula ng isang blog. Isa nanaman itong karagdagan sa milyun-milyong blog na nailimbag at dumadaloy sa Internet.
Ang kaalamang maipapahayag sa blog na ito ay makitid and mababaw kumpara sa lawak at lalim ng sansinukob. Ito rin ay hamak katulad ng munting liwanag ng tala sa pagitan ng walang katapusang kadiliman. Kung iisipin, marahil wala itong pagkakaiba sa mga nailathala na. Marahil may katulad itong mensahe. Subalit matitiyak ko na ito'y nag-iisa.
Datapwa't, tungkulin ng tala ang maglaan ng liwanag. Ang liwanag nito ay kailangang maglakbay sa kalawakan at umaasang papatak sa mata ng isang nilalang. Para saan ang liwanag kung walang makakamalas nito?
Kung pumatak sa mata mo ang blog na ito, ibinibigay ko sa iyo ang aking pinakamaalab na pagbati! Samahan mo akong magtanim ng binhi na maaari nating anihin sa hinaharap. Inaanyayahan kitang magisip at magsulat.
Sumilang na ang tala. Naglakbay na ang liwanag.
Binubuo na ang kadena ng mga titik. Ililimbag na ang mga salita.
Sisikapin kong maging makabuluhan ang Sulat Kaisipan.
June 27, 2006 at 9:06 am
hehehe. makitid AND mababaw ah.
i-link kita ha britan.
July 3, 2006 at 11:39 pm
Hi! Thanks for dropping by. Do feel free to write down your thoughts and opinion or make suggestions of any sort.