Panaghoy ng Inang Pilipinas sa Kabataang Lumilisan

Naisip kong isulat ang tulang ito sapagkat 1. wala pa akong nasusulat dito sa Filipino, 2. hindi ako mapakali noong nakaraang linggo, at 3. nais kong subukan sumulat ng haiku.

Sana'y maibigan ninyo ito:

Panaghoy ng Inang Pilipinas
sa Kabataang Lumilisan

Iniisip mong
maglakbay, lumayo sa
lugar na ito.

Umaapaw nga
raw ang gatas at pulot
sa bansang dayo.

Pagkukulang ay
hindi mararanasan.
Tiyan may laman.

Sagana ka sa
damit, gamit at pera,
"bayani" ka pa!

Masasaya ang
pasyalan, tanawin ay
nakakabusog.

Kultura'y siksik
Wika at bararila'y
may pormang handog.

May disciplina
ang tao. Malinis ang
kapaligiran.

Kaakit-akit
ang binata't dalaga!
O siya, saan ka pa?

Yumaon ka man
Isa lang panaghoy ng
puso kong ito:

My only regret
is not to be able to
make you stay with me.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: