To you, —–, my first Tagalog villanelle.
Nasaan Ka?
Tadhana ba’y magkawalay?
Lumipas na ang kahapon
Kay tagal kitang hinintay
Ating bukas na malaon
Oras hinanap, tinunton
Tadhana ba’y magkawalay?
Kasalukuya’y nabaon
Bakit katwira’y hinamon?
Kay tagal kitang hinintay
Pangako mo’y kinakaon
ng puso kong inaalon
Tadhana ba’y magkawalay?
Ala-alang di malipon
Karanasa’y di matipon
Kay tagal kitang hinintay
Ngayon, bukas at kahapon
Panahon ba’y tinatapon?
Tadhana ba’y magkawalay?
Kay tagal kitang hinintay
1:16 AM 8/6/2006
Advertisements
sa aking pagoobserba sa iyong gnwa,mganda sya ngunit wala man lang itong sukat,tugma,at taludtod na npagpapaakit sa mambabasa…hindi mo matatawag na tula kung hindi ito nagtataglay ng tatlong elemento….sanay husayan mo pa at gumwa k ng tula n uukol sa ating inang bayan…
Maraming salamat sa iyong pagdalaw at sa iyong mga obserbasyon, Lovely. Nagagalak akong marapatin mo siyang tawaging “maganda”.
Dito sa gawang ito, sinunod ko ang alituntunin ng isa villanelle:
http://en.wikipedia.org/wiki/Villanelle
http://members.optushome.com.au/kazoom/poetry/villanelle.html
Makaaasa ka na huhusayan ko pa ang pagsusulat. Makaaasa ka rin na susulat ako ukol sa ating bayan.
Sana’y makadalaw ka ulit.
mahusay! tama naman ang pagkakagawa ng villanelle. praktis pa at gagaling ka din!